DOH, aminadong maraming COVID-19 vaccines na ang na-expire
Aminado ang Department of Health na maraming COVID- 19 vaccine sa bansa ang naexpire at ang iba ay malapit na ring mapaso.
Ang iba rito ayon kay Department of Health Officer in Charge Ma Rosario Vergeire ay mapapaso ngayong Agosto, at Setyembre.
Tumanggi naman muna itong tukuyin ang kabuuang bilang ng mga expired na bakuna.
Pagtiyak ni Vergeire, pasok pa naman ang bilang na ito sa patakaran ng World Health Organization sa ideal na wastage ng bakuna.
Nakadagdag pa aniya rito ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapabakuna o booster..
Sa gitna ng ulat ng mga napapasong bakuna, isinusulong ni dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Secretary Joey Concepcion, na dapat ay payagan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng 2nd booster sa iba pang myembro ng populasyon.
Sa ngayon kasi, ang pwede palang magpa 2nd booster ay mga immunocompromised, mga health worker at senior citizen.
Madelyn Villar – Moratillo