DOH binalaan ang publiko laban sa methanol poisoning ngayong holiday season
Nagpaalala ang Department of Health sa publiko na iwasan ang pag-inom ng mga nakalalasing na inumin gaya ng lambanog.
Sa mga nakalipas na taon ng pagdiriwang ng holiday season, palaging may mga nauulat na biktima ng methanol poisoning matapos uminom ng lambanog.
Kaya paalala ni Health Secretary Francisco Duque III, huwag bumili ng mga lambanog na hindi rehistrado.
Ang mga hindi kasi rehistradong inumin o pagkain ay hindi dumaan sa masusing pag aaral kaya maaaring makompromiso ang kalusugan ng publiko.
Ayon kay Duque, dapat iwasan na ang alcoholic drinks dahil wala naman itong mabuting idudulot sa kalusugan.
Magdudulot lamang aniya ito ng mga sakit.
Nitong nakaraang taon lamang, ilang katao ang nasawi habang ang iba ay na ospital sa Laguna at Quezon matapos uminom ng lambanog.
Madz Moratillo