DOH binigyan diin sa publiko ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask
Kasunod ng ulat na sinabi ng Center for Disease Control and Prevention na posible na rin ang airborne transmission ng COVID-19, binigyang diin ng Department of Health ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask.
Ayon sa DOH, batay sa mga pag aaral ay bumababa ng 85% ang posibilidad ng transmission ng virus kung may suot na face mask.
Habang 80% naman ang nababawas kung may physical distancing.
Ayon sa DOH una na ring sinabi ni Dr. Edsel Salvana, member ng DOH Technical Advisory Group, na assumed airborne ang virus na dala ng covid 19 kung may ginagawang aerosol generating procedure sa ospital.
inihayag pa ng DOH, kailangan pa ng mas maraming pag aaral para masabi talaga na ang COVID-19 ay airborne na kahit sa non hospital settings.
Pero bagamat wala pang kasiguruhan, sinabi ng DOH na mahalaga ang pag iingat at pagsunod sa health protocols.
Madz Moratillo