DOH, binigyan ng FDA ng special permit para sa generic version ng anti-Covid drug ng Pfizer
Binigyan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Department of Health (DOH), ng compassionate special permit (CSP) para sa coronavirus disease drug na Bexovid, ang generic version ng COVID-19 pill na Paxlovid ng Pfizer.
Ayon kay FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez . . . ” Na-approve po ng FDA ang application ng DOH para sa CSP institutional use para maging accesible ang unang generic version ng Paxlovid. Yung Bexovid po ay yung world’s first generic version of the US-FDA approved Pfizer’s Paxlovid. The DOH will make this accesible and available to government hospitals once the Biocare Lifescience, Inc. deliver this to them.”
Aniya, ang nasabing COVID-19 treatment ay kumbinasyon ng Nirmatrelvir at Ritonavir, na dapat inumin dalawang beses isang araw sa loob ng 5 araw.
Para ito sa mga pasyenteng edad 12 pataas na may “mild to moderate” infection.
Pahayag naman ni DOH Undersecretary Leopoldo Vega . . . “The said COVID-19 pill was found to be effective in reducing the risk of hospitalization or death. Na-examine at na-research doon sa Pfizer sa USA, nakita nila sa data nila sa lahat ng mga pasyenteng nabigyan po nito, nag-reduce ang kanilang hospitalization and death to about 90 percent.