DOH – Calabarzon, nagsagawa ng kauna-unahang Regional Environmental Health summit
“Healthy and Sustainable Environment”…ito ang tema ng isinagawang kauna- unahang Regional Environmental Health summit na pinangunahan ng Department of Health (DOH) Calabarzon.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng mga Sanitary Engineers, Sanitation officers at Health inspectors.
Sa mensahe ni DOH Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo, nananawagan siya sa mga participants ng naturang summit na makipagtulungan sa Regional office na isulong ang epektibong service delivery network upang matiyak ang preserbasyon at konserbasyon ng kapaligiran.
Kailangan umano na magkaroon ng priorities sa Calabarzon para sa Health at Environmental concerns lalong lalo na sa local level.
Bukod dito, kailangan din anyang pangalagaan ang tinatawag na Trilogy of Health – na binubuo ng pamilya, sistemang pangkalusugan at kapaligiran.
Binigyang diin ni Janairo na ang pangunahing layunin ng nasabing summit ay magkaloob ng Environmental conservation, protection at rehabilitation.
Nakararanas rin umano ang Calabarzon ng kontaminasyon mula sa hangin, tubig at lupa at ang mga naninirahan doon ay laging nakahantad sa tinatawag na environmental threats na dito ay kabilang ang kakulangan sa sapat na supply ng malinis na inuming tubig, kakulangan ng basic sanitation sa mga tahanan at komunidad, indoor air pollution mula sa pagluluto at paggamit ng uling, kakulangan ng solid waste disposal at air pollution mula sa mga sasakyan.
Sabi pa ni Janairo, hindi kumpleto ang kalusugan kung walang kapaligiran, kaya naman , kailangan umanong protektahan at magkaloob ng sustainable environmental protection at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng kooperasyon at suporta ng mga dumalo sa nasabing summit.
Ulat ni Belle Surara