DOH CALABARZON, nagsagawa ng mental health fair para sa mga nabakunahan ng dengvaxia
Nagsagawa ng mental health fair sa mga nabakunahan ng dengvaxia ang Department of Health o DOH Calabarzon o ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon at ito ay sa pakikipagtulungan ng lalawigan at city health office ng Laguna
Tema ng aktibidad ay “Malusog na kaisipan para sa pangkalahatan handog ng kagawaran ng kalusugan.
Ayon kay Regional Director Eduardo Janairo, ang event na ito ay bahagi ng patuloy na pangako at suporta ng pamahalaan na magkalaoob ng physical, psycho-social at mental health inteventions para sa mga nabakunahan ng dengvaxia kasama pati ang kanilang mg magulang. at kanilang pamilya.
Anya, magsisilbi na debriefing process sa mga nabakunahan ng dengvaxia at kanilang pamilya tungkol naging epekto ng dengvaxia vaccination.
Sinabi ni Janairo na nagkaroon ng epekto ang naturang bakuna sa kanilang pangkalahayang kaisipan at kalusugan na nakakapagpadagdag sa mabagal na pagpapagaling at pagpapalakas ng katawan ng ating mga bata.
Nagsagawa rin ng ibat’ibang aktibidad na inihanda ng regional office na dito ay kabilang ang poster making contest, face painting, singing at dancing, libreng haircut, dental health services tulad ng pagpapalinis at pagbubunot ng ngipin.
Bukod sa mga nabanggit, pinagkalooban din ang mga participants ng physical check up .
Binigyang diin ni Janairo na kailangang silang mabigyan ng mga ganitong klase ng gawain para kahit sa isang araw lang ay makalimutan nila ang mukhang magtatagal na epekto ng dengvaxia sa kanilang kaisipan at kalusugan.
Ulat ni Belle Surara