DOH, doble kayod para sa pagbabakuna ng mga bata laban sa tigdas

 

Sa layuning lalong mapababa ang kaso  ng mga batang dinadapuan ng tigdas, nag-double time ang Department of Health (DOH) upang ang lahat ng mga batang may edad limang taon pababa ay mabakunahan.

Ayon kay DOH undersecretary Eric Domingo, abalang-abala ang kanilang mga health workers upang huwag nang madagdagan ang bilang ng mga batang namamatay sa tigdas.

Dahil din aniya sa mga active transmission ng kagawaran sa mga komunidad, umaasa ang DOH na bababa na ang kaso ng tigdas sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Nakiusap rin si Domingo sa mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak upang  makaiwas sa nakamamatay na sakit.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *