DOH AT EBC magkatuwang na inilunsad ang bagong programa sa NET 25 na adolescent health program
Sa layuning mabigyan ng tamang impormasyon at gabay ang mga kabataan na tinatawag na adolescent, 10 -19 na taon, inilunsad ng Department of Health at ng Eagle Broadcasting Corporation ang adolescent health program, healthy young ones na mapapanood sa programang Tribe ng NET25.
Sinabi ni DOH Asec Dr. Eric Tayag na nilayon nilang maging kapartner ng EBC sa pamamagitan ng programang Tribe ng NET25, upang magkaroon ng sariling sikap ang mga kabataan na maproteksiyunan ang kanilang kalusugan at ito ay maipamahagi pa nila sa maraming kapwa kabataan nila dito sa ating bansa.
“Ang pagkamura ng inyong edad ay hindi dahilan para hindi kayo magkaron ng responsiblidad na ipahatid sa mga kababayan natin ang magandang balita – – -na tayo ang siyang namumuno sa ating kalusugan, at sa tamang impormasyon tayo ay magkakaroon ng pag iwas sa mga panganib sa kalusugan at pagbibigay ng importansya sa kahalagahan nito”. – Asec. Tayag
Ayon pa kay Tayag, ang DOH ay patuloy na naglulunsad ng maraming magagandang proyektong nakatutulong sa ating mga mamamayan at kabataan na may kaugnayan sa pagkakaroon ng mabuting kalusugan, at kanilang ikinagagalak na maging kabahagi ang programa sa NET25 na naghahatid sa mga kabataan ng makabuluhang impormasyon.
Lubos naman ang pasasalamat ng pangasiwaan ng paaralang New Era University dahil skahit maraming pribado at pampublikong paaralan sa bansa ay dito sa naturang Unibersidad napili ng DOH na i-launch ang nasabing programang tatalakay sa aspetong pangkalusugan ng mga kabataan.
Ulat ni: Anabelle Surara