DOH, ginugunita ngayong araw ang World Blood Donor Day

blood day

Courtesy of Wikipedia.org

download
courtesy of wikipedia.org

Patuloy  ang panawagan ng Department of Health sa publiko na  makiisa sa  pagdo-donate ng dugo.

Ngayong araw ay  ginugunita ang World Blood Donor Day  na naglalayong  mabigyan ng lalo pang malawak na kaalaman ang mamamayan  sa kahalagahan ng  boluntaryong pagbibigay ng ligtas na dugo.

Ayon sa World Health Organization ang  slogan para sa 2017  campaign   ay  “what can you do?  give blood. give now. give often”.

Samantala,   dahil sa kakulangan ng suplay ng dugo,  tumataas ang kaso ng mga pasyenteng  namamatay .

Pagbibigay  diin  ng  DOH  na  ang  ido-donate na dugo ay makapagliligtas ng buhay.

Sinabi rin ng DOH na ang ilan sa mga benepisyo ng pagdo-donate ng dugo ay ang kasiyahan na makapagligtas ng buhay ng tatlo hanggang apat na  kapwa tao,  libreng blood analysis , pagtunaw ng calories, pagbaba ng tiyansa nang pagkakaroon ng cancer at sakit sa puso.

Mayroon walong type ng dugo, ang A, B, type AB at O positive ay tinatawag na RH=, ang A-, B- at O- ay ang tinatawag na RH- na napakadalang na uri ng dugo.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *