DOH, ginunita ang National Blood Donors Month, misconception tungkol sa blood donation, itinuwid
Maraming maling akala tungkol sa pagdo-donate ng dugo ang itinuwid ng Department of Health kaugnay ng paggunita sa National Blood Donors Month.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, kabilang sa misconception ay hindi dapat na mag-donate ng dugo ang mga babae ng regular dahil sa kanilang monthly period.
Binigyang diin ni Ubial na ito ay mali at walang masama na ang isang babae ay mag donate ng dugo lalo na at capable at malusog.
Sinabi pa ni Ubial na 23% lamang ang nagdo-donate ng dugo dahil sa maling akalang nabanggit.
Nais ng DOH na maging bahagi ang mga kababaihan sa hangarin ng kagawaran na maging blood sufficient nation ang bansa.
Ulat ni: Anabelle Surara