DOH, hindi babaguhin ang protocol sa Monkeypox Virus
Sa gitna ng kumpirmasyon na nakapasok na sa bansa ang Monkeypox virus, hindi na gaanong natatakot ang ilan nating kababayan.
Ayon sa kanila, paiiralin lang nila ang mga ginawang pag-iingat sa COVID-19 para makaiwas sa naturang virus.
Maging ang Department of Health ( DOH ), hindi naglabas ng bagong protocol para sa Monkeypox dahil ang kasalukuyang minimum public health standards ay sapat na raw para makaiwas dito.
Ayon kay DOH Officer- In-Charge Ma. Rosario Vergeire, wala pa ring sapat na pag-aaral kung kagaya ng COVID -19 virus ay matagal din na nananatili sa mga bagay ang Monkeypox.
Binigyang diin ng opisyal na hindi dapat ito makaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay.
Madelyn Villar-Moratillo