DOH, hindi kinonsulta ng Cebu sa kanilang unvaxxed traveler policy: Vergeire

Two foreign tourists present their QR codes upon arrival at the Ninoy Aquino International Airport on Thursday (Feb. 10, 2022). At least 398 foreign tourists arrived on the first day of the country’s reopening to fully vaccinated international travelers. Photo: pna.gov.ph

Hindi kinonsulta ng provincial government ng Cebu ang Department of Health (DOH), kaugnay ng kanilang panuntunan na tumanggap ng mga dayuhang turista kahit hindi pa bakunado, na taliwas sa pambansang polisiya na tanging fully vaccinated leisure travelers lamang ang maaaring pumasok sa bansa.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na makikipag-ugnayan siya sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa lalawigan ng Cebu para pag-usapan ang isyu.

Ayon kay Vegerie . . . “Hindi po na-konsulta ang DOH hinggil dito sa panukala or protocol ng Cebu province regarding incoming travelers like foreign nationals. Mayroong protocol ang Inter-Agency Task Force (IATF) na ating sinusunod na kailangan pong sundin ng local governments. Sa IATF po pag-uusapan lahat ito upang mabigyan ng kaliwanagan at siyempre DILG, of course, will coordinate with Cebu.”

Pinaalalahanan ni Vergeire ang local government units (LGUs), na ang mga panuntunang binuo ng pandemic task force ay dapat na ipatupad sa buong bansa.

Ani Vergerie . . . “Iyon pong mga binabalangkas na mga panukala or protocols ng IATF, ito ay isang mandato sa bawat isa sa LGUs natin na sumunod dahil kailangan ‘yong protocols natin ay ipatutupad nationally so that we can continuously protect our borders and we can prevent further transmission of diseases.”

Noong Pebrero 9 ay nilagdaan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang isang executive order, na nagpapahintulot sa pagpasok ng unvaccinated business and leisure travelers sa lalawigan, simula sa Marso a-uno.

Ayon sa order, ang mga biyahero ay kailangan lamang magpakita ng isang negative RT-PCR test result na kinuha 48 oras bago umalis sa bansang pinanggalingan, magpa-swab pagdating at sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa lumabas ang ikalawa nilang RT-PCR result na kukunin sa ika-limang araw ng kanilang quarantine.

Gayunman, sa pamamagitan ng IATF Resolution 160-B, ang pinapayagan lamang ng national government na makapasok sa Pilipinas ay yaong foreign tourists na fully vaccinated na.

Please follow and like us: