DOH, hindi pa tinitingnan ang posibilidad ng pagbabakuna sa mga batang 5 hanggang 11 taong gulang
Wala pang sapat na ebidensya hinggil sa benepisyong naibibigay ng booster dose ng COVID-19 sa mga batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang.
Ito ang iginiit ni Department of Health Officer-in-Charge Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, batay na rin sa mga pag-aaral na ginagawa hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Para kay Vergeire, bago pag-usapan ang booster para sa mga bata, mas mabuting maabot muna ang target na bilang ng bibigyan ng primary dose ng bakuna kontra COVID-19.
Sa ngayon, nasa 4.2 milyong bata palang ang nababakunahan sa bansa na ayon kay Vergeire ay 40% lang ng target na mabakunahan ng gobyerno.
Madelyn Villar- Moratillo