DOH, hinikayat ang COMELEC na humanap ng paraan kung paano makakaboto ang mga COVID-19 positive sa 2022 elections
Hinikayat ng Department of Health ang Commission on Elections na naghanap ng mga alternatibong paraan upang makaboto pa rin sa May 2022 National and Local Elections maging ang mga positibo sa Covid-19.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, hindi maaaring magpunta sa mga voting center ang isang taong positibo sa Covid-19 kaya dapat maghanap ng paraan ang poll body para makaboto pa rin sila.
Una rito, sinabi ng COMELEC na maglalagay sila ng isolation tent sa mga polling place kung saan mananatili ang mga botante na makikitaan ng sintomas ng Covid-19 gaya ng lagnat o ubo.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon, may antigen testing din sa mga isolation tent na ito.
Tiniyak ng Comelec na gagawin nila ang lahat para masiguro ang ligtas at mapayapang halalan lalo na at patuloy pa rin ang banta ng Covid-19.
Madz Moratillo