DOH, hinikayat ang mga pet owners na pabakunahan ang kanilang mga alagang aso at pusa
Isinasagawa sa iba’t-ibang barangay ang libreng pagbabakuna sa aso kaugnay ng paggunita sa buwang ito na Rabies awareness month.
Dahil sa nararamdaman na ang mainit na klima, hinikayat ng Department of Health o DOH ang mga pet owners na maging responsable sa kanilang mga alagang hayop sa pamamagitan ng pagpapabakuna sa mga ito.
Ayon sa DOH, may mga pagkakataon na basta na lamang nangangagat ang aso dahil sa kanilang nararanasang init.
Anila, kapag hindi bakunado ang alaganga so o pusa, malaki ang posibilidad na carrier sila ng rabies.
Binigyang-diin pa ng DOH na ikinukunsiderang neglected disease ang Rabies na 100% nakamamatay, bagamat 100% rin namang preventable o nahahadlangan.
Bukod dito, sinabi pa ng DOH na ang rabies ay hindi kanilang sa mga nangungunang sanhi ng mortality at morbidity sa bansa ngunit ito ay ibinibilang na significant public health problem.
Ulat ni Belle Surara