DOH, hinimok na magsanay pa ng mas maraming Vaccinators
Isinusulong ni Senador Richard Godon na mag-train pa ng mas maraming Vaccinators para makatulong ng Gobyerno sa panahon ng Emergency.
Sa harap ito ng inaasahang Mass Vaccination ng pamahalaan laban sa Covid-19 oras na dumating ang suplay sa Pebrero.
Ayon kay Gordon, maaaring sanayin ng Department of Health (DOH) ang mga Dentista, Beterinaryo at mga Medical Technologists.
Sa pagdinig kasi aniya ng Senado noong Biyernes, lumalabas na aabot lamang sa 617,239 na mga Health workers ang lalahok sa Vaccination program na masyagong mababa kumpara sa 50 hanggang 70 milyong katao na target mabakunahan.
Noong 2019, sinabi ni Gordon na aabot lamang sa 69% ang actual performance sa bakuna ng Gobyerno kaya hindi aniya masyadong bihasa sa pagbabakuna.
Meanne Corvera