DOH, humahanap ng HIV/Aids Ambassadors
Inilunsad ng Department of Health o DOH ang isang search for HIV/Aids awareness ambassadors.
Ayon sa DOH, tinawag itong “three in one pageant na naglalayon na maitama ang maling impormasyon tungkol sa nasabing sakit.
Ang pageant ay binansagang “lhive free redvocates” na dito ay hahanap ang doh ng magiging kinatawan na lalaki, babae at transgender na magiging ambassador.
Ang mananalo at magiging kinatawan ng HIV/Aids ay kokoronahan sa huling linggo ng Setyembre, 2018.
Ulat ni Belle Surara
Please follow and like us: