DOH, idinepensa ang panawagan sa publiko na mas tangkilikin ang online shopping
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na sa paghikayat sa publiko na tangkilikin ang online shopping para sa mas ligtas na pamimili ay hindi nila kinokontra ang mga hakbang ng gobyerno para sa pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Paliwanag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang kanilang hakbang ay salig sa Department Circular patungkol sa Reiteration of the Minimum Public Health Standards for COVID-19 Mitigation during the Holidays.
Nakasaad aniya sa Department Circular na ito na mas mataas ang rick ng pagkakahawa ng virus kung nasa mataong lugar, mayroong poor ventilation, o kabilang sa mga activities na may close at madalas na contact.
Ito aniya ang dahilan kaya sila sa DOH ay hinihikayat ang publiko na tangkilikin ang online shopping upang makapag ingat sa virus.
Pero kung hindi naman aniya mapipigilang lumabas ng bahay tiyakin lamang na may suot na face mask at face shield, siguruhin na may social distancing at palaging maghugas ng kamay.
Madz Moratillo