DOH iginiit na hindi nagdudulot ng kamatayan ang mga bakuna kontra Covid-19
Hindi nagdudulot ng kamatayan ang COVID-19 vaccines.
Ito ang nilinaw ng Department of Health kasunod ng kumakalat na video kung saan isang Virologist umano ang nagsasabi na maaaring masawi ang mga nabakunahan makalipas ang dalawang taon.
Binigyang-diin ng DOH na ang COVID-19 vaccine ay hindi magpapahina ng immune system o resistensya.
Sa halip makalipas ang 2 linggo mula ng makumpleto ang dalawang dose ng bakuna ay magbibigay ito ng kumpleto at pinakamataas na proteksyon laban sa COVID-19.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na maging mapagmatyag at huwag basta maniniwala sa mga kumakalat na video o post sa social media.
Ayon sa DOH, dapat beripikahin muna ang mga impormasyon na nakikita online sa mga lehitimong pinagmumulan ng impormasyon.
Madz Moratillo