DOH, iginiit na hindi pa nila inirerekumenda ang paggamit ng antigen para sa Covid-19 screening
Nilinaw ng Department of Health na hindi pa nila inirerekumenda ang paggamit ng antigen testing para sa mga walang sintomas ng COVID-19 o exposure sa taong positibo sa virus.
Ginawa ni Health Usec Ma. Rosario Vergeire ang pahayag kasunod ng ulat na antigen test na ang gagamitin ng General Santos City para sa kanilang Covid-19 screening .
Giit ni Vergeire, ang antigen test ay hindi accurate kung walang sintomas o exposure ang isang indibidwal.
Paliwanag ng opisyal ang antigen kasi ay hindi epektibo kapag mababa ang viral load.
Epektibo aniya ito para sa mga may nararamdamang sintomas ng virus o mula sa una hanggang 5 araw na nakitaan ito ng sintomas.
Kaya naman payo ng DOH, hintayin muna ang resulta ng ginagawang pag aaral sa Baguio City hinggil sa effectivity ng antigen para sa COVID-19 screening.
Madz MOratillo