DOH, iginiit na maliit ang posibilidad na makapasok sa bansa ang marburg virus

Pinawi ng Department of Health ang pangamba ng publiko sa Marburg virus.

Giit ni DOH Officer in Charge Ma Rosario Vergeire, maliit ang posibilidad na makapasok ito sa bansa.

Bukod rito, endemic na rin aniya ang sakit na ito sa ilang bansa at native lang ito sa ibang kontinente kagaya ng Africa.

Sa kabila nito, tiniyak ni Vergeire na hindi naman kampante ang gobyerno at naglatag rin sila ng preparasyon.

Kabilang aniya rito ang pagbibigay ng impormasyon sa surveillance officers at sa mga nasa port of entry ng bansa para maging alerto laban sa Marburg.

Una rito, kinumpirma ng World Health Organization na mayroon ng kumpirmadong kaso ng Marburg virus sa Ghana.

Ang virus na ito ay maaaring makuha sa fruit bat, at karaniwang sintomas nito ay mataas na lagnat, matinding pananakit ng ulo, at pananakit ng mga kalamnan.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us: