DOH, iginiit na nakadepende pa rin sa publiko ang pagdami ng mga kaso ng COVID- 19 sa bansa
Nakadepende parin sa pakikipagtulungan ng publiko ang magiging sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.
Aminado si Health Usec. Ma Rosario Vergeire na maaaring mahigitan o mas mababa kaysa kanilang projection ang maging mga kaso ng virus infection sa bansa.
Noong surge aniya dahil sa Omicron ay umabot sa 34,000 na kaso kada araw ang naitatala habang sa National Capital Region ay umabot ng 17,000 ang arawang kaso ng COVID-19 .
Sa ngayon, marami aniyang factor ang maaaring makaapekto sa pagsirit pa ng mga kaso gaya nalang ng mga nakakapasok na bagong variant o subvariant.
Una ng sinabi ng DOH na pagsapit ng Agosto ay maaaring lumobo ang kaso ng severe at critical cases at posibleng umabot pa sa mahigit 4,800 ang bilang ng maoospital dahil sa COVID-19 .
Ito ay kung patuloy na bababa ang bilang ng sumusunod sa health protocol at mababa ang bilang ng nagpapabooster.
Ayon sa DOH ang 4.4% ang positivity rate ngayon sa bansa habang ang average daily cases naman ay 456.
Madelyn Villar -Moratillo