DOH iginiit na tumataas ang health system capacity ng bansa
Hindi lamang dapat sa numero tumingin kundi sa tumataas na kapasidad ng health system.
Ito ang pahayag ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire kasunod ng pagkakasama ng Pilipinas sa Top 20 countries na may mataas na kaso ng COVID-19 ng John Hopkins University.
Giit ni Vergeire, maaaring nakasama ang Pilipinas sa Top 20 pero kung titignan ang capacity ng health care system ng bansa ay malaki ang itinaas nito.
Kasabay nito, ipinaliwanag ng opisyal ang mga dahilan sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 infections sa bansa.
Ilan aniya rito ay ang pagtaas ng testing capacity ng bansa kaya mas marami na ngayong nasusuri at natutukoy na positibo sa virus.
Dumami rin aniya ang mga natukoy na cluster ng covid cases ngayon na nakapagpataas rin ng mga kaso ng virus infection.
Sa pinakahuling tala ng DOH, umabot na sa 314,079 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid 19 sa bansa.
Madz Moratillo