DOH iginiit na wala pang Brazil Variant sa bansa
Nilinaw ng Department of Health na wala pang Brazil Variant ng COVID- 19 dito sa bansa.
Paliwanag ng DOH, ang mayroon sa bansa ay Brazilian lineage at hindi variant.
Ang Variant of concern mula sa Brazil ay P.1 at wala pa umanong nadetect ang Philippine Genome Center ng Variant na ito sa mga sample na kanilang sinuri.
Una rito iniulat ng Quezon City LGU na mayroon na umanong 1 kaso ng Brazil Variant sa kanilang Lungsod.
Pero giit ng DOH maaaring nagkaroon lamang umano ng misinterpretation sa lineage mula sa Brazil.
Madz Moratillo
Please follow and like us: