DoH, ikinukonsidera ang pagpapasara ng mga sementeryo sa buong bansa sa undas ng mga katolilo
Ikinukunsidera ng Department of Health ang pagrerekumenda na isara ang lahat ng mga sementeryo sa buong bansa sa panahon ng Undas ng mga Katoliko.
Ginawa ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire ang pahayag kasunod narin ng aksyon ng ilang Metro Manila Mayors na isara pansamantala ang mga pampubliko at pribadong sementeryo at kolumbaryo sa kani kanilang lugar sa mga nasabing petsa.
Ito ay bilang pag iingat laban sa covid 19 at maiwasan ang pagkalat pa nito. Paliwanag ng Health Official na sa panahon ng Undas ay marami ang magtutungo sa mga sementeryo.
Dahil sa banta ng covid 19 ay mahigpit na ipinagbabawal ang mass gathering.
Pinuri naman ni Vergeire ang ginawang hakbang ng ilang LGU at maging ang maagang pag aanunsyo nito sa publiko.
Ang Lungsod ng Maynila ang unang nag anunsyo sa pagsasara ng mga semeteryo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1 na sinundan ng iba pang Lungsod sa Metro Manila.
Madz Moratillo