DOH, inatasan ni Pangulong Duterte na gumawa ng paraan para bumalik ang tiwala ng publiko sa Immunization program ng pamahalaan
Naglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte kay Health secretary Francisco Duque III na doblehin ang information campaign upang bumalik ang tiwala ng publiko sa immunization program ng pamahalaan.
Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ang kautusan ay ginawa ng Pangulo sa pinakahuling cabinet meeting sa Malakanyang.
Ayon kay Panelo nakarating sa kaalaman ng Pangulo na dahil sa nawalan ng tiwala ang publiko sa immunization program dulot ng kontrobersiya sa Dengvaxia anti-dengue vaccine nadamay pati ang anti measles vaccine kaya nagkaroon ng Tigdas outbreak sa ibat-ibang panig ng bansa.
Inihayag ni Panelo hindi pinatulan ng Pangulo ang paninisi ni Secretary Duque kay Public Attorneys Office (PAO) Chief Atty. Persida Rueda Acosta na dahil sa pag-highlights sa kaso ng Dengvaxia lumikha ito ng takot sa publiko kaya kinatakutan ang immunization program ng pamahalaan.
Ulat ni Vic Somintac