DOH inatasan ni Senador Sonny Angara na isumite ang imbentaryo ng mga nurse, midwife at mga doktor sa mga pampublikong ospital
Inatasan ni Senador Sonny Angara ang Department of Health (DOH) na magpalabas ng datos kaugnay sa kabuuang bilang ng mga doktor, nurse, dentista at midwife na nasa mga pampublikong ospital sa buong bansa.
Nais malaman ni Angara kung sapat ba ang manpower ng gobyerno para bigyan ng serbisyong medical ang bawat Filipino ngayong ipatutupad na ang Universal Health Care law.
Sa hinihingi kasing budget ng DOH para sa 2020, umabot sa 2.45 billion ang pondo para sa Human Resources for Health na siyang nagde-deploy ng mga Health Professionals.
Hiwalay pa ito sa kanilang hinihinging 7 billion pesos sa ilalim ng miscellaneous personnel benefit fund para naman sa hiring ng mahigit 11,000 mga Health workers tulad ng 744 na mga doktor at mga Doctors to the barrios.
Kasabay nito, inirekomenda ni Angara na kunin ng DOH ang serbisyo ng may 4,000 mga bagong pasang doctor sa halip na mangibang bansa.
Ulat ni Meanne Corvera