DOH, itinangging may nangyaring Mafia sa pondo para sa Dengvaxia
Itinanggi ng mga opisyal ng Department of Health o DOH ang mga alegasyon na may nangyari umanong Mafia at conversion ng pondo para sa kontrobersyal na anti-dengue vaccine na Dengvaxia na umaabot sa 3.5 bilyong piso.
Sa pagharap sa kaniyang confirmation appointment, hinamon pa ni Health
Secretary Francisco Duque III si dating DOH consultant Dr. Francis Cruz ng mga ebidensya.
Sa alegasyon ni Cruz, hinati umano ng DOH ng pondo para sa anti -dengue
vaccine kung saan 3 bilyong piso lang ang inilaan sa Philippine
Childrens medical center o PCMC habang naiwan sa kanilang tanggapan ang
mahigit 550 million pesos.
Pero ayon kay DOH Undersecretary Ma. Carolina Vidal-Taiño, isa sa mga tinukoy ni Cruz na umano’y miyembro ng mafia, hindi totoong hinati-hati na ang pondo dahil hindi pa nagagastos ang natitirang 550 million pesos at
nasa DOH pa ang pondo.
1.6 bilyong piso dito ay nairefund na ng Sanofi sa DOH ngayong Enero para sa mga hindi nagamit na vials ng dengavxia.
Sabi ni Duque, sumulat na rin sila sa Sanofi para puwersahin na ibalik
ang mahigit 1 billion pesos pa na nagastos sa mga bakuna kahit pa
naiturok na ito sa mga kabataan.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===