DOH itutuloy parin ang pagbibigay ng remdesivir sa mga pasyente na may COVID-19
Nilinaw ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na tuloy parin ang pagbibigay nila ng gamot na remdesivir sa mga pasyenteng kasama sa Clinical trial ng World Health Organization.
Ito ay sa kabila ng naunang pahayag ng WHO na batay sa kanilang mga pag-aaral nakitang hindi ito nakatulong para mabawasan ang mortality rate ng mga pasyente na may COVID-19.
Paliwanag ni Vergeire nakasaad naman sa rekomendasyon ng WHO na maaari paring ituloy ang pagbibigay ng nasabing gamot sa mga narecruit na pasyente para sa Clinical trial sa remdesivir.
Ito ay upang makadagdag sa datos sa mga ginagawang pag aaral sa mga posibleng gamot sa COVID-19.
Giit ni Vergeire hanggat walang sinasabi ang WHO na itigil ang pagbibigay ng remdesivir ay ipagpapatuloy parin nila ang pagbibigay ng gamot sa mga pasyente na una ng binigyan nito.
Ang remdesivir ay gamot na ginawa noon para sa ebola pero nakitang epektibo ito sa COVID- 19 kaya sinubukan rin sa mga pasyente .
Madz Moratillo