DOH : iwasan ang hawaan kontra COVID-19 ngayong holiday season
Ikinakampanya ng Department of health na mas mabuti kung gagawing virtual nalang ang mga pagtitipon ngayong holiday season.
Pero kung hindi maiiwasan ang pagsama sama ay ilang paalala ang DOH para masigurong ligtas parin ang lahat mula sa COVID-19 at maiwasan ang pagkahawahan.
Payo ng DOH, una dapat siguruhin na lahat ng dadalo at bakunado na kontra COVID-19.
Pangalawa, dapat tiyakin na lahat ay walang nararamdamang sintomas ng virus.
Dapat ding masiguro na maayos ang ventilation sa lugar.
Payo ng DOH mas mabuti kung may kanya kanyang baon o pre plated food nalang.
Huwag ding maghiraman ng utensils gaya ng baso.
Huwag ding alisin ang facemask maliban nalang kung kakain o iinom.
Dapat ding tiyakin na may isang metrong distansya mula sa iba.
Ugaliin din ang regular na pagsanitize ng mga kamay.
Madz Moratillo