DOH: Kauna-unahang kaso ng polio, naitala makalipas ang 19 na taon
Kinumpirma ng Department of Health ( DOH ) na may naitalang kauna-unahang kaso ng polio sa bansa.
Ito ay makalipas ang 19 na taon mula nang ideklarang polio free ang Pilipinas.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ang unang kaso ng polio virus na ito ay naitala sa Lanao Del Sur kung saan tinamaan ng sakit ang isang tatlong taong gulang na bata.
Gayunpaman, ang nasabing bata ay nasa bahay na at nagpapagaling pero nakaranas na ito ng residual paralysis.
Nakumpirma ang kaso ng polio nito lamang Setyembre 14 matapos lumabas ang resulta ng pagsusuri mula sa Research Institute for Tropical Medicine ( RITM ), maging ng Estados Unidos at Japan na naiulat noon pang Hunyo.