DOH, kinumpirma ang unang kaso ng Lambda variant sa bansa
Mayroon ng kaso ng Lambda variant ng Covid 19 sa bansa.
Ayon sa Department of Health, ang kauna-unahang kaso ng Lambda variant sa bansa ay isang 35-anyos na babae.
Inaalam pa naman kung ito ay isang local case o Returning Overseas Filipino.
Pero ito ay asymptomatic at nakarekober na matapos sumailalim sa 10 araw na isolation period.
Nagsasagawa na ng back tracing at case investigation ang DOH sa mga nakasalamuha ng nasabing pasyente.
Ang Lambda variant na unang natukoy sa Peru noong August 2020 ay nakasama sa Variant of Interest ng World Health Organization noong Hunyo 14, 2021.
Una rito, sinabi ng mga eksperto na wala pang sapat na mga ebidensya hinggil sa transmissibility ng Lambda variant.
Madz Moratillo