DOH kinumpirma na pinay domestic worker ang nagpositibo sa UK variant pagdating sa Hong Kong
Kinumpirma ng Department of Health na isang Filipino ang Hong Kong resident na iniulat na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, ang nasabing pinay ay nagtatrabaho bilang domestic worker.
Una rito kinumpirma ng DOH na ang nasabing 30 anyos na pinay ay mula sa Cagayan Valley Region.
Umalis sya sa Pilipinas patungong Hong Kong noong Disyembre 22.
Pero bago umalis sa bansa sumailalim ito sa RT PCR test at negatibo naman sa COVID-19.
Pagdating sa Hong Kong sumailalim ito sa quarantine at muling sumalang sa RT-PCR testing noong Enero 2 at doon nagpositibo ito sa COVID-19 at maging sa UK variant.
Ayon sa DOH nasa stable na kondisyon ang nasabing pinay at naka isolate na.
Madz Moratillo