DOH magsasagawa ng vaccination activity kontra rubella, polio at tigdas sa susunod na buwan
Muling magsasagawa ng vaccination activity ang Department of Health laban sa mga sakit na rubella, polio at tigdas.
Ayon sa DOH, mula Pebrero 1 hanggang 26 ay maaaring pabakunahan ang mga bata laban sa mga nasabing sakit.
Ang vaccination activity para sa tigdas at Rubella ay gagawin sa Regions 3, 4A, 6, 7, 8 at buong NCR.
Ang mga maaaring magpabakuna ay mga batang nasa edad na 9 na buwan hanggang bago mag-5 taong gulang.
Habang ang OPV vaccination o para naman sa polio ay sa Regions 3, 4A, 6, 7, at 8.
Para naman ito sa mga batang wala pang 5 taong gulang.
Hinikayat naman ng DOH ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa mga nasabing sakit.
Wala naman umanong dapat ipangamba ang mga magulang dahil sa ang mga nasabing bakuna ay matagal ng ginagamit sa bansa at subok na epektibo.
Madz Moratillo