DOH: Mahigit 90% ng mga anti-Covid vaccine, naipamahagi na sa mga LGU
Nasa halos 98 porsiyento na ng mga bakuna kontra Covid-19 ang naipamahagi na sa mga lokal na pamahalaan sa buong bansa.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang ilang doses na natitira sa warehouses ng DOH ay magsisilbing buffer stock para sa mga LGU na mangangailangan pa ng karagdagang bakuna.
Sinabi ni Vergeire na ang mga bagong dating na bakuna kabilang ang isang milyong doses ng Sinovac at higit 2 milyong doses ng Pfizer ay nakahanda na ring ipamahagi.
Ngayong may mga bagong dating na bakuna, makapagpapatuloy na rin sa vaccination rollout ang mga LGU na kinapos ang suplay ng bakuna dahil sa delivery delay noong Mayo.
Sa kasalukuyan, nasa higit 12 milyong doses na ng mga binili at donated anti-Covid vaccine meron ang bansa.
Pinakahuling bakunang dumating sa bansa ay ang 100,000 doses ng Sputnik vaccine mula Russia.