DOH mahigpit ang paalala sa publiko para matiyak ang COVID-19 free na pagsalubong sa bagong taon
Kasabay ng nalalapit na pagsalubong sa Bagong Taon, mahigpit ang paalala ng Department of Health sa publiko na laging isaisip ang banta ng COVID-19.
Lalo na ayon sa DOH at nariyan na rin ang banta ng Omicron variant.
Ayon sa DOH, sa nakalipas na 7 araw, umakyat sa 351 ang bagong kaso ng COVID-19 kada araw mula sa dating 289.
Sa National Capital Region naman, mula sa dating 74 daily cases ay umakyat sa 145 cases per day.
Tumaas rin sa .9% at 1.4% ang positivity rate sa Calabarzon at NCR.
Bagamat hindi pa naman nagdudulot ang mga ito ng pagtaas ng hospital admission, ayon sa DOH karamihan ng mga kasi na ito ay mild at asymptomatic.
Kaya apila ng DOH sa publiko, magdoble ingat kahit pa bakunado na kontra COVID- 19.
Paalala ng DOH, ang pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay, pag iwas sa matataong lugar at agad na pag-isolate kapag nakaramdam ng sintomas ng virus ay malaking tulong para maiwasan ang transmission nito at masiguro ang kaligtasan ng pamilya.
Madz Moratillo