DOH, mas pinalakas pa ang kampanya laban sa Dengue at Leptospirosis
Pinatindi pa ng Department of Health ang kampanya nito laban sa Dengue at Leptospirosis.
Sa harap ito ng pagtaas ng kaso ng mga nagkakasakit ng Dengue at tinatamaan ng Leptospirosis.
Personal na nag-ikot kanina si Health secretary Francisco Duque sa Longos Elementary school para bigyan ng impormasyon ang mga kabataan kung paano makakaiwas sa nakamamatay na sakit.
Namahagi rin ang DOH ng pamplet kung saan nakasaad ang mga sintomas ng dengue.
Ilan dito ang matinding lagnat, pananakit ng ulo at kasu-kasuan, pagkahilo at pagsusuka, walang ganang kunain at pamamantal ng balat.
Sabi ni Duque na mahalagang malaman ng mga estudyante ang mga ganitong impormasyon para agad magpakonsulta sa mga doktor sakaling maranasan ang mga ganitong sintomas.
Ulat ni Meanne Corvera