DOH mas pinalalakas ang kanilang information campaign kaugnay sa COVID-19 vaccine
Mas pinalalakas na ng Department of Health o DOH ang kanilang information drive hinggil sa COVID-19 vaccine.
Una rito, batay sa survey ng OCTA Research Group lumabas na 25% lamang ng mga respondent sa National Capital Region ang handang magpabakuna kontra COVID-19.
Aminado ang DOH na hindi maiiwasan na matakot ang publiki sa bakuna lalo na at ginagawa sa mabilis na paraan kumpara sa ibang uri ng mga bakuna.
Kaya naman ayon sa DOH, mahigpit sila sa pagpapatupad ng mga protocol hindi lang sa registration ng mga bakuna, kundi pati sa Vaccine Clinical trials at aplikasyon sa Emergency use authorization.
Katuwang na rin aniya ng DOH ang Philippine Information Agency sa pagbibigay ng tamang kaalaman sa publiko hinggil sa mga bakuna.
Patuloy din umanong maglalabas ang DOH ng iba pang mga detalye at education materials sa publiko upang maalis ang kanilang pangamba sa bakuna.
Madz Moratillo