DOH, may paalala kasabay ng nalalapit na pagbubukas ng klase
Kasabay ng nalalapit na pagsisimula ng klase ngayong Agosto, muling nagpaalala ang Department of Health laban sa Dengue.
Mahigpit na bilin ni DOH CALABARZON Regional Director Ariel Valencia ang pagsunod sa 4S o “Search and destroy” mosquito-breeding sites, “Self-protection measures” gaya ng pagsusuot ng mahabang pantalon o long sleeved shirt at paggamit ng mosquito repellent, “Seek early consultation”, at “Support fogging/spraying”.
Ayon kay Valencia, sa Calabarzon, mula Enero hanggang Hulyo 30 ng taong ito ay may 8, 279 dengue cases na naitala sa rehiyon; 2, 523 rito ay mula sa Laguna, sa Rizal ay may 1, 823 cases, Quezon ay may 1, 377 , Cavite ay may 1, 308, Batangas ay may 1, 150 at Lucena City na may 98.
Mayorya ng mga kaso ay lalaki na nasa edad 1 hanggang 60 taong gulang.
Madelyn Villar -Moratillo