DOH may paalala sa mga LGU hinggil sa monitoring ng COVID-19 vaccines
Nagpaalala ang Department of Health sa mga lokal na pamahalaan na tiyakin ang mahigpit na monitoring sa mga natanggap na alokasyon ng COVID-19 vaccine.
Giit ni Health Usec Ma Rosario Vergeire, hindi isang beses lamang ang pagmonitor sa mga bakuna pagkalagay rito sa refrigerator.
Mula Lunes hanggang Linggo o 24/7 aniya ang dapat na pagmonitor dito.
Sa loob ng isang araw, dapat kada 4 na oras ay nabibisita aniya ang mga bakuna kung nasa maayos pa itong kondisyon.
Ang paalala ay ginawa ng DOH kasunod ng mahigit 300 doses ng Sinovac vaccines na nasayang sa North Cotabato matapos hindi pala nai-on ang electrical supply ng freezer na pinaglagyan ng mga bakuna nang bumalik na ang supply ng kuryente.
Madz Moratillo