DOH may paalala sa mga residente na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon
Matapos na itaas sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon, naglabas ng ilang paalala sa mga apektadong residente ang Department of Health (DOH) para maingatan ang kalusugan laban sa ash fall.
Ayon sa DOH, iwasang lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan at palaging magsuot ng face mask
Iwasan magbukas ng pintuan at bintana.
Maghanda ng GO Bag na naglalaman ng sapat na tubig, pagkain, damit, first aid kit at gamot in case of emergency.
Para naman makasiguro na ligtas ang pagkain, hugasang mabuti ang kamay bago magluto at kumain, banlawan ng umaagos na tubig ang mga gulay at prutas, takpang mabuti ang mga lalagyan ng tubig.
Para maprotektahan ang mata, magsuot ng goggles, iwasan din munang gumamit ng contact lense at gumamit na lang muna ng salamin.
Kung nasa lugar na apektado ng ash fall ay iwasan ring kamutin o kuskusin ang mata at kung mairita ay banlawan ito gamit ang umaagos at maligamgam na tubig.
Madelyn Moratillo