DOH, may paalala sa paghahanda ng pagkain
Patuloy na nagpapaalaala and Department of Health (DOH) sa publiko na lalong dagdagan ang pag-iingat sa mga pagkaing inihahanda at ibinabaon lalo na kung mag a -outing.
Ito ay dahil sa hanggang sa ngayon ay marami pa rin natin ang nabibiktima ng pagkalason, allergy at iba pang sakit na idinudulot ng hindi malinis na kinakain.
Ayon sa DOH, dapat na matiyak na tama ang pagkakaluto at preparasyon ng pagkaing kakainin maging ang kapaligiran na pinaglulutuan.
Samantala, dahil kasama lagi sa inihahandang baon ang prutas at gulay, may paalala naman si Dr. Roel Tolentino, Health and Wellness advocate.
Dr. Roel Tolentino, Health and Wellness advocate.
“Regarding sa prutas hinay hinay lang po doon sa sobrang tamis……pero meron naman mga prutas na hindi masyadong matamis huwag po nating tatanggalin ang fiber …huwag mag ju juice ng walang fiber…kasi po ang fiber ay napaka-importante para ung asukal at ung mga taba na ating kinakain ay hindi maabsorb kung hindi ito ay pupunta doon sa fiber at ito ay ilalabas natin sa pagpunta natin sa banyo”.
Binigyang diin pa ng DOH na sa panig ng mga magulang hindi dapat na ipinagwawalang bahala ang anumang pagsakit ng tiyan..
Ikunsulta agad sa duktor upang hindi humantong sa diarrhea.
Ulat ni Belle Surara