DOH may paalala sa publiko hinggil sa pagsusuot ng face mask
Sa kabila ng rekumendasyon ng Inter Agency Task Force na boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face mask sa open areas, naglabas ng paalala ngayon ang Department of Health sa publiko ng mga dahilan kung bakit kailangan pa ring magsuot ng face mask.
Una, ayon sa DOH, delikado ang sitwasyon ng COVID-19 para sa mga senior citizen at immuno compromised na maaaring mahawahan kung hindi magsusuot ng face mask.
Kailangan ang face mask lalo kung may sintomas gaya ng ubo at sipon.
Giit ng DOH maraming sakit ang puwedeng mapigilan ang pagkalat dahil sa face mask.
Nagpapakita ito ng mabuting halimbawa sa mga bata na mahalaga ang pag-iingat sa virus.
Sa huli, sinabi ng DOH na wala namang masama kung mag-iingat ang bawat isa.
Madelyn Villar-Moratillo