DOH may paalala sa publiko ngayong panahon ng taglamig at nagpapatuloy pa ang banta ng COVID-19
Ngayong panahon ng taglamig, pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko na maging vigilant sa mga sakit na uso kapag malamig ang panahon na nahahawig rin sa sintomas ng COVID-19.
Ayon kay Health Usec Ma Rosario Vergeire, kapag nakaramdam ng ganitong sintomas ay agad na mag quarantine o i-isolate ang sarili mula sa ibang kasama sa bahay.
Dapat din na magsuot ng face mask bilang pag- iingat upang hindi makahawa sa iba pang kasama sa bahay.
Maaari din naman aniyang magpakonsulta sa pamamagitan ng tele medicine para malaman ang mga dapat na gawin.
Tuwing panahon ng taglamig ay uso ang sipon, ubo at minsan ay may kasama pang lagnat na kabilang rin sa mga sintomas ng COVID-19 .
Madz Moratillo