DOH, may paalala sa publiko sa gitna ng pagkamatay ng mga baboy sa Rizal
Nagpaalala si Health secretary Francisco Duque III sa publiko na mag-ingat sa mga binibili o kinakaing karne ng baboy.
Kasunod na rin ito ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa lalawigan ng Rizal sa hindi pa matiyak na kadahilanan.
Payo ni Duque sa publiko, tiyakin na nalutong mabuti ang karne ng baboy bago ito kainin.
Sa pagbili naman ay maging mapanuring mabuti para makasigurong hindi botcha ang nabiling karne.
Sa kabila naman ng pangyayari, hindi naman apektado ang ilang karinderya sa Maynila dahil mabenta parin naman daw ang mga lutong ulam na karne ng baboy na kanilang ibinebenta.
Ulat ni Madz Moratillo
Please follow and like us: