DOH, muling nagbabala sa publiko kaugnay ng mga sakit na maaaring dumapo ngayong painit na ang panahon
Taun-taon kapag sumasapit ang summer, maaga pa ay nagbababala na ang Department of Health (DOH) laban sa mga sakit na maaaring dumapo sa tao.
Ilan sa mga sakit na dapat i-monitor o bantayan ng publiko upang makaiwas dito ay bungang araw, , sipon at ubo, sun burn, bulutong, diarrhea at sore eyes.
Bukod dito, pinag-iingat din ng DOH ang publiko laban sa sakmal ng aso.
Ayon pa sa DOH, napakasimple lang ang dapat gawin upang maiwasan ang mga nabanggit na sakit.
Maging malinis sa kapaligiran, iwasan na lumabas ng bahay mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon kung saan napakatindi ang sikat ng araw at makapagdudulot ng pinsala sa kalusugan lalo na sa balat.
Mainam na mag-apply ng sunscreen lotion na mataas ang SPF o Sun Protection Factor, magsuot ng mahabang manggas, magdala ng payong o sumbrero upang maprotektahan ang sarili laban sa matinding sikat ng araw.
Ulat ni Belle Surara