DOH, muling nagbabala sa publiko laban sa sakit na Leptospirosis
Muli na namang nararanasan ang mga pagbaha sa maraming lugar sa Metro Manila at mga lalawigan.
Kaugnay nito, muling nagpayo ang Department of Health laban sa Leptospirosis.
Ayon sa DOH, sa nakalipas na taon ay tumaas ang kaso ng nabanggit na sakit lalo na nang pumasok sa bansa ang rainy season.
Kabilang sa mga sintomas ng Leptospirosis ay mataas na lagnat, sakit ng ulo, naninilaw na balat, pamumula ng mata, panginginig at pananakit ng buto at laman.
Payo ng DOH, iwasang lumusong sa baha o kung hindi man mag-suot ng bota at gwantes at magpa-konsulta sa doktor.
Ang mga gamot sa Leptospirosis ay available sa mga health center, kaya kung alinman sa mga sintomas na nabanggit ang nararanasan, agad na kumonsulta sa doktor.
Ulat ni: Anabelle Surara