DOH muling nagpaalala sa mga LGU na makipag-ugnayan sa kanila sa national government kung nais makakuha ng COVID-19 vaccine
Muling pinaalalahanan ng Department of Health ang mga lokal na pamahalaan na makipag- ugnayan sa national government para sa kanilang vaccination initiatives.
Sa isang statement, nagpaalala ang DOH na hindi maaaring makabili ng COVID-19 vaccine ang mga LGU ng sa kanila lang.
Kailangan umano nilang makipag ugnayan sa National Task Force Against COVID-19 at DOH para sa isang tripartite agreement kasama ang mga LGU at pharmaceutical companies.
Paliwanag ng DOH ang Emergency Use Authorization kasi na ibinibigay ng Food and Drug Administration sa mga manufacturer ng COVID-19 vaccine ay hindi kasama ang para sa commercial use nito.
Ibig sabihin hindi pa magiging available sa merkado ang bakuna at tanging gobyerno pa lamang ang maaaring makabili nito.
Tiniyak naman ng DOH na sa ilalim ng vaccination plan ng gobyerno ay makakaasa ang publiko sa patas na dostribusyon nito lalo na sa mga nasa vulnerable sector.
Una rito, mahigit 30 LGU na ang lumagda sa nasabing Tripartite Agreement kabilang ang lungsod ng Maynila, San Juan City, Pasig City at iba pa.
Madz Moratillo