DOH, muling nagpaalala sa mga magulang na may anak na sanggol na kumpletuhin ang pagbabakuna para matiyak ang kaligtasan ni baby
Napakahalaga na kumpleto ang bakuna para kay baby upang maproteksyunan ang kalusugan nito.
Ito ang binigyang diin ni DOH Asec. Eric Tayag kaugnay ng napaulat na maraming mga nanay ang hindi naglalaan ng oras na dalhin si baby sa center upang mabakunahan.
Ayon kay Tayag, kabilang sa dapat na tanggaping bakuna ni baby ay hepatitis b vaccine, bcg, diptheria, pertussis at tetanus o dpt, opv o bakuna laban sa polio, at measles vaccine o bakuna laban sa tigdas.
Dagdag pa ni Tayag na bukod sa mga nabanggit, may mga iba pang bakuna na maaaring ibigay sa mga batang mataas ang posiblidad na makakuiha ng partikular na sakit tulad ng meningococal vaccine laban sa sakit na meningco-coccemia na nakaaapekto sa utak at ang rotavirus vaccine para naman sa ilang uri ng diarrhea.
Binigyang diin pa ni Tayag na mahalagang kumukunsulta sa isang pediatrician upang mapangalagaan ang kalusugan ni baby at i-breastfeed si baby ng tuloy tuloy na anim na buwan.
Ulat ni: Anabelle Surara