DOH muling nagpaalala sa publiko hinggil sa paggamit ng Ivermectin
Wala pang prophylactic drug laban sa COVID 19.
Ito ang paalala ng Department of Health sa publiko kasabay ng apila na magpabakuna na kung may pagkakataon at sumunod sa minimum public health standards.
Ayon sa DOH, ito ang pinakamabisang pangontra sa COVID – 19.
Inihayag pa ng DOH, bagamat may mga panawagan para sa paggamit ng anti parasitic drug na Ivermectin bilang pangontra sa COVID-19 ay wala pang ebidensya na makapagpapatunay rito.
Paalala ng DOH, lahat ng human grade Ivermectin na rehistrado ay bilang panggamot lamang sa mga internal at external parasites.
Kung gagamit ng Ivermectin para sa COVID-19 dapat ito ay may valid prescription umano ng isang manggagamot.
Madz Moratillo